VP Robredo, hinimok ang publiko na unahin ang kapakanan ng mga nangangailangan ngayong Pasko
Sa pagdiriwang ng Pasko, hiinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga Pilipino na dapat ay isa-alang-alang ng bawat isa ang kapakanan ng mga nangangailangan at laging piliin ang tama.
Sa kanyang Christmas message, sinabi ni Robredo na mas kailangan ng mga nasa marginalized sector ang tulong at malasakit mula sa mga nakaalwan sa buhay.
Aniya, dapat ay magkaisa ang lahat upang walang maiiwan sa ibaba o sa progreso dahil ang bawat isang buhay ay mahalaga.
Hinimok din ng ikalawang pangulo ang lahat na alalahanin ang tunay na diwa ng Pasko kung saan maging ang mga ordinaryong tao, katulad nila Maria, Jose, at mga pastol, ay kayang makagawa ng magagandang bagay, gaya ng nangyari sa kapanganakan ni Hesus sa Bethlehem.
Ayon pa kay Robredo, dapat ay magpakatatag ang lahat upang harapin ang iba’t ibang problema ng bansa, gaya na lamang ng ginawa ng Holy Family bago ipanganak si Hesus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.