Akyat-bahay, arestado sa Makati City

By Justinne Punsalang December 25, 2018 - 04:11 AM

Agad na naaresto ng mga otoridad ang isang hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang na nanloob sa isang bahau sa Barangay Sta. Cruz, Makati City.

Nakilala ang suspek na si John Joseph Dorol, 19 na taong gulang.

Ayon sa mga pulis, nakitulog lamang ang biktimang si Charles Demafeliz sa bahay ng kanyang kaibigan na si Milagros Varias nang paggising nito ay napansin niyang nawawala ang P6,000 pera mula sa kanyang wallet.

Nang tingnan ang kuha ng CCTV camera ay doon nila nakita ang suspek na pumasok sa bahay ni Varias.

Nagkasa ng operasyon ang mga bantay-bayan kung saan naaresto si Dorol at mahaharap ngayon sa kasong theft o pagnanakaw.

TAGS: akyat bahay, makati city, akyat bahay, makati city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.