Malakanyang, hinimok ang publiko na magkaisa ngayong Pasko

By Justinne Punsalang December 25, 2018 - 03:48 AM

Hinimok ng Palasyo ng Malacañan ang sambayanang Pilipino na kalimutan na ang pagkakaiba-iba at magkaisa ngayong papalapit na ang panibagong taon.

Sa isang pahayag para sa bisperas ng Pasko, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nawa’y pairalin ng bawat isang Pilipino ang compassion, kindness, at reconciliation.

Aniya, sa loob ng mahabang panahon ay nagkawatak-watak ang Pilipinas dahil sa pulitika na binabalot ng kurapsyon atkapabayaan.

Kaya naman sa pagdating ng panibagong taon ay napapanahon na upang kalimutan na ang magkakaibang pananaw atgawi na nakasisira lamang sa dignidad ng bansa at magkaisa para sa kapayapaan at pag-unlad.

Dagdag pa ni Panelo, dapat ay magkaroon ang bawat isa ng pakialam sa mga kapwa Pilipino dahil “Ang sakit ng
kalingkingan ay dama ng buong katawan.”

TAGS: Malacanan, Salvador Panelo, Malacanan, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.