Klase sa Rosario, Cavite, suspendido na

June 23, 2015 - 07:48 AM

11292702_983139331697415_78173719_nKanselado na ang klase sa bayan ng Rosario sa lalawigan ng Cavite dahil sa malakas na pag-ulan na naranasan sa lalawigan mula Martes ng umaga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Rosario, Cavite Mayor Nonong Ricafrente na alas 5:00 pa lamang ng umaga nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan sa bayan.

Dahil flood prone ang bayan ng Rosario, nagpasya na si Ricafrente na suspendihin ang klase.

Sakop ng suspension ang lahat ng antas mula Pre School hanggang College sa pribado at pampublikong mga paaralan.

“Flood prone kasi ang bayan ng Rosario, at madaling araw pa kami nakararanas ng pag-ulan, si para ligtas na rin ang mga estudyante nagsuspinde na kami ng klase,” ayon kay Ricafrente

Nilinaw naman ni Ricafrente na tanging mga estudyante lamang ang walang pasok at tuloy ang trabaho sa mga pribadong kumpanya at mga tanggapan ng Gobyerno.

Samantala, sa Bacoor City sa Cavite, wala ring pasok ngayong araw (June 23) hindi naman dahil sa pag-ulan kundi bilang paggunita sa ikatlong taon ng pagkaka-convert nito bilang Lungsod.

Wala ring pasok sa San Juan City ngayon (June 23) at bukas (June 24) para naman sa pagdiriwang ng “wattah wattah festival” sa lungsod./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: cavite, class suspension, Radyo Inquirer, rainy season, cavite, class suspension, Radyo Inquirer, rainy season

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.