Bilang ng mga nasawi dahil sa tsunami sa Indonesia, umakya na sa 373

By Rod Lagusad December 25, 2018 - 03:30 AM

Courtesy of AP

Umakyat na sa 373 ang bilang ng mga nasawi dahil sa tsunami na tumama sa Southern Sumatra at Western Java sa
Indonesia.

Aabot naman sa 1,400 na katao ang nasugatan ayon sa national disaster agency ng naturang bansa.

Habang nasa 128 pa ang naiulat na nawawala dahil sa tsunami na idinulot ng pagsabog ng isang bulkan sa lugar.

Libu-libo naman ang nagsilikas sa mas matataas na lugar.

Nagbabala ang mga eksperto sa maari pang tamaan ng nakakamatay na alon ang nasalantang lugar sa Indonesia.

Tinamaan ng tsusnami ang mga sikat na mga beaches at mga hotel.

TAGS: indonesia, tsunami, indonesia, tsunami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.