3 bahay, nasunog sa bisperas ng Pasko

By Justinne Punsalang December 25, 2018 - 03:32 AM

Malungkot na ipagdiriwang ng ilang mga residente ng Barangay Cogon sa Tagbilaran City, Bohol ang Pasko ngayong
taon.

Ito’y matapos masunog ang tatlong mga bahay sa kahabaan CPG Avenue sa naturang lugar.

Kwento ng isang biktima ng sunog na si Henry Mendoza, nasa labas siya ng kanyang bahay at nag-aayos ng ilulutong
pagkain para sa Noche Buena nang makarinig ng malakas na pagsabog mula sa highway.

Kwento ni Mendoza, sa una ay inakala niyang nagkaroon ng aksidente sa kalsada.

Ngunit laking gulat na lamang aniya niya nang makita ang apoy na dumila sa kanyang braso at mukha.

Hindi na nagawa pang mailigtas ni Mendoza at kanyang boarder ang kanilang mga gamit mula sa nasusunog na bahay.

Maging ang kanilang mga kapitbahay ay hindi na rin nakapagsalba ng mga kagamitan.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog na sumiklab kahapon ng alas-diyes ng umaga.

TAGS: Bohol, fire, sunog, tagbilaran city, Bohol, fire, sunog, tagbilaran city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.