Dahil sa insidente, apat sa kanilang miyembro ang nasawi, habang dalawang iba pa ang sugatan.
Nadamay din sa insidente ang dalawang sibilyan matapos matamaan ng ligaw na bala.
Batay sa report ng Philippine Army 6th Infantry Division, alas-9 ng umaga nang maganap ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo, kung saan kapwa kabilang ang kanilang mga lider sa 106th Base Command ng MILF.
Ayon sa tagapagsalita ng MILF-Bansamoro Islamic Armed Forces (BIAF), matagal nang may lamat ang relasyon ng dalawang mga grupo.
Sa ngayon ay tumigil na ang engkwentro ng mga grupo ng MILF, bagaman patuloy na nakamonitor sa lugar ang 6ID.