Security guard, patay matapos barilin ng kapwa security guard sa Cebu City

By Rod Lagusad December 25, 2018 - 03:34 AM

Patay ang labing walong taong gulang na security guard matapos barilin ng kapwa security guard sa bisperas ng Pasko sa Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Romy Biasa na nagtamo ng tama ng bala sa itaas na bahagi ng kanyang katawan.

Habang sumuko naman sa Cebu City Police Office ang suspek na si Roy Cabañez.

Ayon sa kasamahan ng dalawa na nakilalang si Arnold ay nagtatalo ang dalawa dahil sa schedule.

Sinubukan pa nitong itago ang mga baril nito at umalis para bumili ng pagkain.

Aniya pagkabalik niya ay nakita na lang niya si Biasa ay nakahandusay na sa sahig.

TAGS: Cebu City, Security guard, Cebu City, Security guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.