2 LPA at tail-end ng Cold Front, magpapaulan ngayong araw ng Pasko
Magpapaulan ngayong araw ng Pasko ang dalawang low-pressure area (LPAs) at ang tail-end ng isang cold front sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, namataan ang isang LPA sa layong 325 km Kanluran Hilagang-Kanluran ng Puerto Princesa City na siyang nagpapaulan sa Southern Luzon, Bicol at Visayas.
Habang ang extension naman ng isa pang panibagong LPA sa layong 1,270 km sa Silangan ng Mindanao sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay inaasahang magdadala ng katamtaman hanggang sa mabibigat pag-uulan sa rehiyon.
Uulanin din ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Isabela, Aurora, Nueva Ecija at Bulacan dahil sa tail-end ng cold front habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Northern at Central Luzon ay makakaranas ng paminsan-minsang mahinang ulan.
Nag-abiso ang PAGASA sa mga nakatira sa mga tabi ng ilog, mababang lugar at mga nasa bulunbundkin na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.