Biyahe ng PAL, kinansela dahil sa sama ng panahon

By Justinne Punsalang December 25, 2018 - 12:10 AM

Courtesy of PAL

Naglabas ng panibagong abiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) tungkol sa kanselasyon ng biyahe ngayong bisperas ng Pasko.

Batay sa abiso ng MIAA, kinansela ng Philippine Airlines (PAL) Express ang kanilang biyahe patungong Maynila mula Laoag, Ilocos Norte na PR2199.

Paliwanag ng ahensya, ang kanselasyon ng naturang flight ay dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Paalala naman ng MIAA, ang lahat ng mga apektadong pasahero ng cancelled flight ay maaaring tumawag sa PAL Express para sa rebooking o anumang karagdagang assistance.

TAGS: cancelled flights, PAL, cancelled flights, PAL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.