Iba pang mga kongresista, nag-ambag na rin para sa pabuya sa pumatay kay Rep. Batocabe

By Erwin Aguilon December 24, 2018 - 11:00 PM

Nag-ambagan ang mga miyembro ng Magnificent 7 sa Kamara para maipandagdag sa pabuya na ibibigay sa makapagtuturo upang maaresto ang suspek at mastermind sa pagpatay kay AKO Bicol Rep. Rodel Batocabe at body guard nito na si SPO1 Orlando Diaz.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, tig P50,000.00 o kabuuang P350,000.00 ang kanilang idaragdag sa pabuya.

Bukod pa anya ito sa kaparehong halaga na hahatiin naman sa pamilya nina Batocabe at bodyguard nito.

Umaasa naman ang mambabatas na magbibigay din ng kani-kanilang tulong ang mga kapwa kongresista para sa mga naiwan ng dalawa.

Samantala, ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. nasa mahigit P30M ang pabuya upang malutas ang kaso ng pamamaslang kay Batocabe at aid nito.

Sa nasabing halaga P15M ang galing sa AKO Bicol Partylist, P2M sa pamahalaang panlalawigan ng Albay habang ang iba pang halaga ay galling sa nasa 150 ng kongresista.

Possible pa ayon kay Garbin na madagdagan ang nasabing halaga na pinakamalaking pabuya na sa kasaysayan ng Pilipinas.

TAGS: magnificent 7, Rodel Batocabe, magnificent 7, Rodel Batocabe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.