High profile killings, pinareresolba agad ni Sen. Gordon sa PNP

Sinabi ni Senator Dick Gordon na tila nakakalimutan na sa bansa ang ‘rule of law’ dahil sa sunod-sunod na high-profile killings ngayon panahon ng Kapaskuhan.

Sa pahayag ng senador, sinabi nito na kailangan matigil na ang umiiral na kultura ng karahasan at ang mga walang habas na patayan.

Aniya dapat ay kumilos na ang pambansang pulisya para matigil at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Binanggit ni Gordon, noong lang Disyembre 14 ay tinambangan si Coun. Ricardo Tan at at maybahay nito sa Negros Occidental at noon lang Disyembre 22 ay pinagbabaril din si Atty. Erfe del Castillo at Efren Palmares sa Bacolod City.

Sa nasabi din araw at napatay si Ariel Vicencio, anak ni dating Malabon City Mayor Boy Vicencio at ang dalawang kasama nito.

Makalipas ang ilang oras ay itinumba naman sa Daraga, Albay si AKO Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Sinabi pa ni Gordon na maaring maresolba ang mga kaso sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya at husay sa pag-iimbestiga ng mga pulis.

Read more...