Malakanyang: Akusasyon ni Sen. Pangilinan na ang Duterte admin ang dapat na sisihin sa sunud-sunod na kaso ng patayan, iresponsable
Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa akusasyon ni Opposition Senator Kiko Pangilinan na ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan kung kaya nagkakaroon ng sunud-sunod na kaso ng patayan sa bansa.
Pahayag ito ni Pangilinan matapos mapatay kamakalawa si AKO Bicol Partyist Rep. Rodel Batocabe.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ireponsable at reckless ang mga akusasyon ni Pangilinan.
Pambabastos din aniya ang ginawa ni Pangilinan sa pamilya Batocabe.
Nakadidismaya ayon kay Panelo na ginagamit ni Pangilinan ang kamatayan ni Batocabe para umani ng political mileage at mapalakas ang kandidatura ng mga taga oposisyon sa nalalapit na eleksyon.
Kung mayroon man aniyang nagaganap na araw araw na patayan sa bansa, hindi ito kagagawan ng estado.
Hindi aniya kinukunsinti ng pangulo ang extra judicial killings at sinisigurong mapapanagot sa batas ang mga kriminal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.