PNP: Tatay ng estudyanteng nambully sa Ateneo hindi pulis

By Den Macaranas December 24, 2018 - 07:19 PM

Nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi pulis ang ama ng nam-bully na batang estudyante ng Ateneo de Manila University (ADMU).

Ito ang naging sagot ni PNP Chief Oscar Albayalde sa mga lumabas na ulat sa social media na nagsasabing pulis ang tatay ng pinatalsik na mag-aaral sa Ateneo.

Nagbigay rin ng komento ang opisyal na sana ay huwag nang ulitin na nasabing mag-aaral ang pambu-bully at malamang ay balang araw ay makahanap rin siya ng katapat niya.

Nauna dito ay sinabi ni PNP Spokesman CSupt. Benigno Durana Jr. na walang pulis sa kanilang record na tumutugon sa pangalang Joaquin Montes Sr.

Noong nakalipas na linggo si sinabi ni dating Department of Interior and Local Government Sec. Raffy Alunan na isang pulis ang ama nang batang nambully.

Ang nasabing pangyayari ang nagtulak sa pamunuan ng ADMU na magpasyang palayasin sa kanilang institusyon ang batang nambully bukod pa sa matinding pressure mula sa mga netizen.

TAGS: albayalde, Ateneo, bully, high school, police, albayalde, Ateneo, bully, high school, police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.