Pinuno ng Albay PNP sinibak sa pwesto kaugnay sa Batocabe case
Sinibak na rin sa kanyang pwesto si Albay Provincial Police Office Director Ssupt. Milo Pagtalunan kaugnay pa rin sa ambush kay Ako Bical Partylist Rep. Rodel Batocabe.
Sinabi ni PNP Region 5 Director Csupt. Arnel Escobal na epektibo ngayong araw ang nilagadaan niyang General Order 3306 na nag-aalis kay Pagtalunan sa pwesto.
Pansamantala namang itinalaga bilang pinuno ng Albay Provincial Police Office si SSupt. Dennis Rellata.
Nauna dito ay sinibak na rin kahapon sa kanyang pwesto si Supt. Benito Dipad bilang hepe ng Daraga Municipal Police Station isang araw makaraan ang pagpatayt kay Batocabe.
Bukod sa PNP, nagsasagawa na rin ng parallel investigation ang National Bureau of Investigation at Commission on Human Rights.
Umaabot naman sa P30 Million ang reward para sa sinumang makakapagturo sa mga taong nasa likod ng pananambang kay Batocabe at sa kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.