Pagpatay kay Rep. Batocabe hindi kagagawan ng NPA ayon sa kasamahang si Rep. Garbin
Naniniwala si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin na pulitika ang motibo sa pagpatay sa kanyang kasamahan na si Rep. Rodel Batocabe.
Ayon Garbin, kahit noon pa man ay winawarningan ng New Peoples Army (NPA) na huwag pasukin ang mga infested area, subalit wala namang execution na nangayayari kahit na mga local politicians sa Albay.
Sinabi ng kongresista na maging ang ilang barangay na strong holds ng NPA ay ilang beses na binalikan ni Batocabe para magsagawa ng humanitarian services at mga lugar na paboritong puntahan na liblib na lugar na nangangailangan ng tulong.
Dalawang taon na anya simula ng magdeklara si Batocabe na tatakbong mayor ng Daraga ay nagsasagawa na ng medical, educational at livelihood program ay dinadala ng kongresista sa mga liblib na lugar subalit walang pangha-harass na nangyayari.
Dahil dito, malakas ang paniniwala ni Garbin na tanging pulitika ang dahilan ng pagpaslang kay Batocabe na tumatakbong Alkalde ng Daraga, Albay sa darating na 2019 elections.
Sa kabila nito, ipinapaubaya pa rin ni Garbin sa mga otoridad ang imbestigasyon dahil ito ang trabaho nila at ayaw niyang mag conclude subalit malakas umano ang kutob niya na pulitika ang dahilan ng pagpaslang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.