4 sa 18 media workers na napatay sa taong 2018 may kinalaman sa trabaho
Nilinaw ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na 4 lang sa 18 media workers na napatay ngayong 2018 ang may kinalaman sa trabaho.
Ito ay base aniya sa rekord na hawak ng gobyerno.
Ayon kay Andanar, bagamat labingwalo ang napatay, malaki ang improvement ng impunity index ng bansa at malaki ang ibinaba ng media violence.
Kaugnay nito ay pinapurihan din ni Andanar ang mabilis na pagkilos ng Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS.
Samantala, hindi naiwasan ni Andanar na maglabas ng saloobin sa ilang negatibong mamamahayag na sadyang puro kasiraan ng pamahalaan ang kanilang inilalabas.
Iginiit din ni Andanar na sa kabila ng pagkakaalis ng Pilipinas sa top 5 most dangerous countries for media, magpapatuloy ang pagsisikap ng pamahalaan sa pamamagitan ng PTFoMS na mapangalagaan ang mga miyembro ng media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.