DOH may food safety tips ngayong holiday season

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2018 - 11:56 AM

Naglabas ng food safety tips ang Department of Health (DOH) upang maging gabay ng publiko ngayong holiday season.

Inaasahan kasing dahil bisperas na ng Pasko, bilang tradisyon, magsisimula ngayong araw ang salu-salo.

Kabilang sa mga food safety tip ng DOH ang mga sumusunod:

– Umiwas sa labis na matataba, maaalat at matatamis na pagkain
– Suriing mabuti ang bibilhing karne at isda upang makaiwas sa diarrhea at food poisoning
– Basahing mabuti ang label ng mga bilihin, at i-check ang kanilang expiration date

Maliban sa tips hinggil sa pagkain, pinayuhan din ng DOH ang publiko na iwasan ang bisyo ngayong holiday season.

Ayon sa DOH, dapat iwasan ang paninigarilyo at ang labis na pag-inom ng alak.

 

TAGS: department of health, Holiday Food Safety tips, department of health, Holiday Food Safety tips

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.