Kumpiyansa si Nograles, na gagamitin ng mga awtoridad ang lahat ng pamamaraan para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni batocabe at hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.
Ayon kay Nograles, bago naitalagang cabinet secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakasama niya si Batocabe sa Kamara.
Ipinakita aniya ni Batocabe ang totoong pagkatao ng isang mambabatas at kahanga-hangang work ethic.
Bukod dito, sinabi ni Nograles na isang mabuting kaibigan si Batocabe, mapagmahal na asawa at ama at palaging binibigyang prayoridad ang kapakanan ng kanyang mga kababayan sa Bicol.
Nagpaabot din ng pakikiramay si Nograles sa pamilyang naiwan ni Batocabe.