Turkey, tinarget din ng ‘Paris-style’ attack

G20_Turkey_2015_logoPosibleng tinarget din ng pag-atake ang Turkey kung saan kasalukuyang ginaganap ang G20 summit na dinadaluhan ng maraming heads of state.

Noong nakaraang linggo bago ang naganap na serye ng pag-atake sa Paris, mayroong naarestong terorista na pinamumunuan ng isang British-born jihadist sa Turkey.

Sa report ng Agence France Press, sinabi ng isang Turkish official na isang Aine Lesley Davis, na London-born British Muslim, ang posibleng nagplano ng pag-atake sa Istanbul na kasabay sana ng serye ng pag-atake sa Paris noong Biyernes.

Pero nagawa umanong maharang ng mga otoridad ang nasabing pag-atake.

“We believe they were planning an attack in Istanbul on the same day as the Paris attacks. Initial investigation shows we foiled a major attack” on Friday, ayon sa isang Turkish official.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga Turkish authorities ang posibleng kaugnayan ng mga naarestong nilang indibidwal sa naganap na serye ng pag-atake sa Paris.

Read more...