Batang nam-bully ng mga kapwa estudyante sa Ateneo, pinapa-ban sa Philippine Taekwondo Association

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2018 - 10:07 AM

Inirekomenda ng ad hoc commitee na mapatawan na rin ng ban ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang batang viral ngayon dahil sa pambu-bully sa mga kapwa estudyante sa Ateneo de Manila Junior High School.

Sa rekomendasyon ng komite hiniling nito sa PTA na i-ban ang nasabing estudyante sa lahat ng sanctioned events na may kaugnayan sa Taekwondo.

Kabilang dito ang mga Taekwondo-related events, belt promotions, tournaments o mga pasilidad ng member institutions.

Ayon kay PTA President Robert Aventajado, effective immediately ang rekomendasyon ng komite na nag-imbestiga sa naturang viral video.

Inirekomenda rin na maisailalim sa counseling ang batang sangkot kung nais pa nito o kaniyang pamilya na mai-reinstate sa PTA.

Ani Aventajado, layunin nito na magawa ng naturang estudyante na akuin ang responsibilidad sa kaniyang ginawa, makapagsisi at sa hinaharap ay magawa pang makapag-ambag ng positibo sa bansa.

Kung tatanggihan naman ito ng kaniyang pamilya, wala nang magagawa pa ang PTA kundi ang patalsikin sa asosasyon ang bata.

 

TAGS: Bullying, Philippine Taekwondo Association, Bullying, Philippine Taekwondo Association

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.