Publiko dagsa sa Divisoria para sa maulang last minute Christmas shopping

By Ricky Brozas December 24, 2018 - 09:32 AM

Radyo Inquirer File Photo | Erwin Aguilon

Sa bisperas ng Pasko, mabenta ang bagsak-presyong panregalo.

Ang mga damit na dati ay nasa P100, ngayon ay nasa P70 hanggang P50 na lang.

Ang shorts naman para sa mga panlalaki at pambabae mula sa dating 3 for 120 ngaykn ay 3 for P100 na.

Gayundin ang sapatos na bargain na ngayon sa P120.

Para sa mga bata naman, may mga laruan na ang pinakamura ay nasa P25.

Samantala, marami pang bilihin na mapapakyaw nang mura, kasama na rin ang mga prutas na ihahain sa Noche Buena.

Ang kiat-kiat ay nasa P35 ang kilo, mansanas ay P50 ang tumpok, ubas ay nasa P80 ang kilo, at peras ay P50 kada kilo.

Nanantili namang magdamagang bukas ang mga tiangge sa Divisoria.

TAGS: Christmas Shopping, Divisoria, Christmas Shopping, Divisoria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.