Banta ng tsunami sa bansa pinawi ng Phivolcs matapos ang malakas na lindol sa Tonga

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2018 - 09:21 AM

Pinawi ng Phivolcs ang banta ng tsunami matapos tumama ang malakas na lindol sa Tonga.

Ayon sa Phivolcs, ang nasabing pagyanig na naganap pasado alas 7:00 ng umaga oras sa Pilipinas ay hindi magdudulot ng tsunami sa baybayin ng bansa.

Sinabi ng Phivolcs na 106 kilometers ang lalim ng pagyanig na 6.5 ang magnitude.

Pero sa datos ng USGS, 6.4 ang magnitude ng naturang lindol.

TAGS: Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Tonga, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Tonga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.