Pag-alis sa pwesto ni U.S. Defense Sec. Mattis mas pinaaga ni Trump

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2018 - 07:02 AM

(AP Photo/Joseph Nair)

Napaaga ng dalawang buwan ang pag-alis sa pwesto ni U.S. Defense Sec. James Mattis.

Ito ay makaraang ianunsyo mismo ni U.S. President Donald Trump na sa January 1, aalis na sa pwesto si Mattis sa halip na February 28 na effectivity date dapat ng kaniyang resignation.

Mistula namang ikinagulat ito ng kampo ni Mattis na nalaman ang balita matapos siyang tawagan ni Secretary of State Mike Pompeo.

Kasunod nito, pinangalanan ni Trump si Patrick Shanahan na deputy ni Mattis bilang acting secretary of defense.

Sa pahayag ng Pentagon sinabing nananatiling naka-focus ang departamento sa national security.

Ang pagbibitiw ni Mattis ay inaunsyo noong nakaraang linggo at sinabing ang dahilan ay ang hindi na pagkakatugma ng mga pananaw nila ni Trump.

TAGS: Defense Secretary, jim mattis, US, Defense Secretary, jim mattis, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.