Apat na miyembro ng NPA sumuko sa Sultan Kudarat

Sumuko sa mga sundalo sa Sultan Kudarat ang apat na miyembro ng New People’s Army.

Kabilang sa mga sumuko sa bayan ng Bagumbayan, si alyas “Ka Carding” kasama ang tatlong iba pa.

Ayon kay Ka Carding, na political instructor ng grupo, nais nilang makapagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang pamilya at natatakot silang masawi sa bakbakan.

Isinuko din ng apat ang ang kanilang mga armas kabilang ang M1 Garand Rifle, KG9 Submachine Gun, dalawang revolvers, 9mm Pistol, at tatlong MK2 fragmentation grenades.

Personal na tinanggap ni Lt. Col. Harold M Cabunoc, Commanding Officer ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion ng Philippine Army ang mga sumukong rebelde at kanilang mga armas.

Ani Cabunoc, sa kanilang datos, umabot na sa 203 na mga rebeldeng NPA ang sumuko sa 33rd Infantry Battalion mula noong March 2017.

65 sa kanila ay napagkalooban na ng social benefits sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

Read more...