Halos 100,000 pasahero dumagsa sa mga pantalan
Dumagsa kahapon ang mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018, umabot sa 96,437 ang kabuuang bilang ng mga bumiyaheng pasahero mula alas 12:00 lamang ng tanghali kahapon hanggang alas 6:00 ng gabi.
Sa mga pantalan sa Western Visayas nakpaagtala ng pinakamaraming bumiyaheng pasahero na umabot sa 17,007; sinundan ito ng mga pantalan sa Central Visayas kung saan umabot sa 15,698 ang mga pasahero; ikatlo ang Southern Tagalog – 15,535; ikaapat ang South Eastern Mindanao – 11,547; at panglima ang Bicol Region – 9,200.
Nakapagtala din ng maraming bumiyaheng pasahero sa mga pantalan sa Northern Mindanao – 8,099; Southwestern Mindanao – 5,409; Eastern Visayas – 4,621; Southern Visayas – 3,425; National Capital Region-Central Luzon – 2,220; North western Luzon – 1,912; Surigao Del Norte – 1,605; Palawan – 1,383; at North Eastern Luzon – 381.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.