Online passport appointment ng DFA may maintenance hindi maa-access hanggang sa Dec. 27

May maintenance ang Department of Foreign Affairs (DFA sa online passport appointment system.

Sa abiso ng DFA, nagsimula ang maintenance, kahapon, Dec. 23 at tatagal ito hanggang umaga ng Dec. 27.

Ibig sabihin, hindi muna maaring ma-aaccess ng puliko ang kanilang passport.gov.ph kung saan nagpapaschedule ng appointment para kumuha o mag-renew ng pasaporte.

Sinabi ng DFA na ito ay bahagi ng routine maintenance ng kanilang server.

Pagsapit naman ng alas 12:00 ng tanghali ng Dec. 27 ay mayroon na muling bubuksang mga bagong appointment slot.

Read more...