LPA at Amihan patuloy na magpapaulan sa bansa ngayong araw
Inaasahang magiging maulan ang Noche Buena o pagsalubong sa Pasko sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, ito ay dahil sa low pressure area (LPA) at Hanging Habagat na umiiral sa halos kabuuan ng bansa.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 80 kilometro Hilagang-Kanluran ng Cuyo, Palawan.
Mababa pa rin ang tyansa na magiging bagong bagyo ito at inaasahan nang lalabas ng bansa bukas.
Ngayong araw, maulap na kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-uulan ang mararanasan sa Northern Luzon, Central Luzon kasama na ang Metro Manila.
Kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat naman ang mararanasan sa Bicol Region, MIMAROPA, buong Visayas, Caraga at Davao Region dahil sa LPA na nasa loob ng bansa.
Samantala, isa pang LPA ang namataan sa layong 1,515 kilometro Silangan ng Mindanao at posibleng pumasok ng bansa bukas at may tyansang maging bagong bagyo.
Dahil sa Amihan, nakataas ang gale warning sa northen seaboard ng extreme northern Luzon kung saan posibleng umabot sa limang metro ang mga alon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.