Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bahagi ng Tawi-tawi alas-5:28 ngayong umaga.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 299 kilometro Timog-Silangan ng South Ubian.
May lalim ang pagyanig na 597 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng lindol at wala namang naitalang aftershocks.
Hindi rin inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian bunsod ng pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.