Alab Pilipinas muling nagwagi sa ABL; Singapore tinalo

Sa ikaapat na sunod na laro ay nagwagi muli ang Alab Pilipinas para sa ika-siyam na ASEAN Basketball League na ginanap kagabi sa Caloocan Sports Complex.

Tinalo ng Alab ang Singapore Slingers sa iskor na 77-71.

Si PJ Ramos ang nanguna sa koponan matapos nitong makapagtala ng 26 na puntos. Hindi naman nagpahuli si Renaldo Balkman sa kanyang 20 points.

Nakapagbigay naman ng 18 puntos ang two-time local MVP na si Ray Parks.

Dahil sa pagkatalo ng Slingers, bumaba ang kanilang win-loss record sa 5-3 habang nananatiling walang talo ang Alab Pilipinas sa record na 4-0.

Read more...