Mag-asawa tinambangan sa Surigao del Sur, patay!

Nasawi sa pananambang ang isang mag-asawa sa Barangay Anibongan sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur.

Tinambangan ang mag-asawang sina Mark Edward at Solivera Salvador, hapon ng Linggo.

Nagawa pang dalhin sa ospital si Solivera, ngunit binawian ito agad ng buhay, habang si Mark Edward naman ay dead on the spot.

Batay sa pagsisiyasat ng mga otoridad, nanggaling ang mag-asawang Salvador sa bayan ng Diatagon, at pagdating ng Lianga ay doon sila tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan.

Mahigit 100 mga basyo ng bala mula sa iba’t ibang kalibre at uri ng baril ang narekober ng pulisya mula sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon sa mga otoridad, isa sa mga posibleng motibo sa pamamaslang ay ang away sa negosyo.

Ngunit patuloy pa rin sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.

Read more...