VIRAL: Video ng lalaking nagpakita ng ari sa bus

By Rhommel Balasbas December 24, 2018 - 12:04 AM

Nagpupuyos sa galit ang isang babae sa isang siksikang bus matapos pakitaan ng ari ng lalaking kapwa pasahero.

Nakalabas ang ari ng lalaki sa kanyang bukas na zipper at tinatakpan ito ng bag upang ang babaeng pasahero lamang ang makakita.

Sa tila pag-iisip na mananahimik lamang ang babae ay namutla na lamang ang lalaki sa mga sumunod na pangyayari.

Walang habas na mura at sigaw ang natanggap niya mula sa biktima na nirecord mismo ang pangyayari.

Sa video na ni-repost ni Joshua Paciben II sa Twitter, makikita na agad isinara ng lalaki ang kanyang zipper matapos punain ng biktima.

Makailang beses ding nagbanta ang babae na tatawag siya ng pulis.

Walang ibang nasabi ang lalaki kundi pasensya at anya ay magpa-Pasko naman — na tila pakikiusap sa biktima.

Ayon kay Paciben, ibinahagi niya ang video para sa public awareness lalo na para sa kababaihan na huwag panghinaan sa mga insidente na sila ay nababastos.

Marami ring netizens ang sumuporta at sumaludo sa katapangan ng biktima kahit mapanganib ang kanyang ginawa.

Sa ngayon ay nakakuha na ng 1.1 million views ang video at mayroong higit 44,000 likes at 12,000 shares.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.