Mga lalawigan sa Panay region at kalapit-lalawigan nawalan ng kuryente

By Justinne Punsalang December 24, 2018 - 12:51 AM

Makalipas ang mahigit dalawang oras ay naibalik na ang supply ng kuryente sa mga lalawigan sa Panay region, maging mga karatig-probinsya.

Linggo ng gabi nang makaranas ng malawakang power interruption ang mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Cebu, Guimaras, Iloilo, Negros, at Panay.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), alas-6:19 ng gabi nang mawalan ng supply ng kuryente ang mga lalawigan ng Cebu, Panay, Negros, at Guimaras.

Dakong alas-8:52 naman ng gabi nang maibalik ang kuryente, ngunit hanggang sa ngayon ay inaalam pa rin ang dahilan ng power interruption.

Para naman sa mga lalawigan ng Iloilo, Aklan, Antique, at Capiz, ay hanggang sa ngayon ay hindi pa naibabalik ang supply ng kuryente.

Paliwanag ng mga electric cooperatives at distribution companies sa Panay region, ang unannounced power interruption ay dahil sa pagsasara ng tatlong planta ng Panay Energy Development Corporation.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.