Sumuko kahapon, araw ng Linggo, sa lokal na pamahalaan ng Cotabato City ang dalawang miyembro ng isang Daesh-inspired group.
Iniharap ang 24 na taong gulang na babae at 21 taong gulang na lalaki sa alkalde ng Cotabato City na si Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi.
Paliwanag ng alkalde, mga kaanak ng dalawa ang humimok sa mga ito para sumuko na.
At bukod umano sa dalawa ay mayroon pang ibang magbabalik-loob na rin sa pamahalaan sa mga susunod na araw.
Nabatid na na-recruit ang dalawa sa loob mismo ng Cotabato City.
Sa ngayon ay hawak na ng mga militar ang dalawa at isinasailalim sa imbestigasyon.
MOST READ
LATEST STORIES