Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang mabilis na aksyon ng pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa insidente ng bullying na naganap sa kanilang paaralan.
Dismissal mula sa paaralan ang ibinabang desisyon ng Ateneo laban sa estudyanteng nam-bully.
Ayon kay Presidential Spokesperon Salvador Panelo, nawa’y ang insidente ay magsilbing paalala na ang bullying ay hindi dapat kinukonsinte sa anumang sibilisadong institusyon.
Hinikayat din ni panelo ang Ateneo na tapusin ang imbestigasyon sa lalong madaling panahon bilang bahagi ng due process.
Nagbigay din ng mensahe ang Palasyo para sa mga magulang na maging mabuting halimbawa sa kanilang mga anak at hikayatin ang mga ito na maging bukas sa pagkukwento ng kanilang mga karanasan sa loob man o labas ng akademya.