Bilang ng mga pasaherong dadagsa sa Araneta bus terminal ngayong 2018, posibleng tumaas ng 4%

By Angellic Jordan December 23, 2018 - 08:22 PM

Kuha ni Alvin Barcelona

Mahigit 10,000 pasahero ang inaasahang dadagsa sa Araneta Center bus stations para sa nalalapit na Araw ng Pasko.

Ayon kay Araneta Bus Terminal General Manager Mon Legaspi, posibleng mas mataas ng apat na porsyento ang bilang ng mga pasahero ngayong taon kumpara noong 2017.

Noong araw ng Sabado pa lamang, December 22, umabot na sa 8,000 pasahero ang pumila sa bus stations.

Paalala naman ni Legazpi sa publiko, iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na kagamitan tulad ng mga matatalas na bagay.

TAGS: Araneta Bus Terminal, Christmas 2018, Mon Legaspi, Araneta Bus Terminal, Christmas 2018, Mon Legaspi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.