Reward money sa pagdakip sa suspek sa Batocabe slay, umabot na sa P30M
Pumalo na sa P30 milyon ang nalikom na reward money o pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa utak at suspek sa pagpatay kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at police escort na si SPO1 Orlando Diaz.
Itinaas ng mga kasamang mambabatas ni Batocabe sa Kamara at ng Albay provincial government ang halaga ng pabuya para sa naturang krimen.
Sa isang press conference, sinabi ni Albay Governor Al Francis Bichara na siguradong P30 milyon ang ibibigay sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa Philippine National Police (PNP) ukol sa kaso.
Samantala, isa sa mga unang nakadalaw sa burol ni Batocabe si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Ricardo Arcilla Hall sa Daraga, Albay.
Dumalaw na rin sa burol sina House Majority Leader Rolando Andaya at Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.