LPA patuloy na magdudulot ng pag-ulan sa Visayas, Caraga at Bicol Region

Inaasahang patuloy na mararanasan ang maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Visayas, Caraga at Bicol Region.

Ayon sa PAGASA, ito ay bunsod ng isang low presssure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang LPA sa bisinidad ng San Jose De Buan, Samar Linggo ng hapon.

Gayunman, sinabi ni PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin na posibleng malusaw ang LPA sa susunod na 24 oras.

Samantala, Northeast Monsoon o amihan naman ang nagdudulot ng pag-ulan sa Luzon.

Dahil dito, iiral pa rin ang mahina hanggang sa katamtamang pag-uulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon at Southern Tagalog.

Patuloy ding binabantayan ng PAGASA ang isa pang LPA sa labas ng PAR.

Read more...