Mga Pinoy sa Sudan, pinag-iingat ng DFA dahil sa mga protesta
Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong nananatili sa Sudan dulot ng ikinakasang protesta sa lugar.
Sa inilabas na pahayag, inabisuhan ng kagawaran ang mahigit 3,000 Pilipino na maging maingat at umiwas sa mga pampublikong lugar na mayroong protesta.
Kabi-kabila ang mga protesta sa Sudan dahil sa pagtaas ng mga bilihin.
Sa ulat ng DFA, walong katao na ang napatay sa protesta.
Sinabi pa ng DFA na idineklara na ang state of emergency sa eastern city ng Qadarif.
Nagpaabot din ng tulong ang Embahada ng Pilipinas sa Cairo sa mga maaapektuhang Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.