2 dayuhan, arestado matapos magtapon ng bangkay ng isang babae sa Pasig River

By Angellic Jordan December 23, 2018 - 07:41 PM

Arestado ang dalawang Amerikano matapos magtapon ng katawan ng isang babae sa Pasig River.

Sa ulat ng pulisya, nag-book ng Grab car ang mga suspek na sina Troy Woody Jr., 21-anyos, at Mir Islam, 22-anyos, para dalhin ang isang malaking kahon mula sa isang condominium sa Mandaluyong City dakong 1:53 ng madaling-araw.

Ang orihinal na drop-off point ay sa isang mall sa Maynila.

Ngunit ayon sa Grab driver, sinabi ng mga pasahero na huminto muna sa Pasig River.

Pagdating sa Basedo compound, itinapon ng mga suspek ang kahon sa ilog at saka sumakay muli sa sasakyan.

Matapos ibaba ang dalawang dayuhan, agad ipinagbigay-alam ng drayber ang insidente sa pulisya.

Nakita sa loob ng kahon na nakabalot ng garbage bag ang bangkay ng biktimang si Tomi Michelle Masters, 23-anyos.

Batay sa ulat, isa sa dalawang suspek ang kasintahan ng biktima.

Nahuli ang mga dayuhan sa isinagawang follow-up operation ng pulisya.

TAGS: Mir Islam, Tomi Michelle Masters, Troy Woody Jr., Mir Islam, Tomi Michelle Masters, Troy Woody Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.