Patay sa pamamaril sa isang pulis sa Tacloban City Police Office (TCPO), Linggo ng umaga.
Ayon kay TCPO information officer Sr. Insp. Ian Po, pauwi na sana ang biktimang si PO2 Lawrence Tabungar, 34-anyos, sa kanilang bahay sa Peerless Village nang pagbabarilin bandang 9:15 ng umaga.
Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang mga suspek sa pamamaril.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagmamaneho ang biktima sa bahagi ng Eastern Visayas Regional Medical Center sa Barangay Bacagay nang mangyari ang pananambang.
Ayon pa sa mga nakasaksi, nakatayo ang mga suspek sa kalsada habang hinihintay ang biktima na dumaan sa lugar.
Patuloy namang inaalam ang motibo sa pamamaril.
Agad ding ipinag-utos ni Eastern Visayas police director Chief Supt. Dionardo Carlos kay Sr. Supt. Michael David ang pagsasagawa ng imbestigasyon at pag-resolba sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.