Ito ay kasunod ng pamamaril kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe sa Daraga, Albay.
Sa inilabas na pahayag, iginiit ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia na hindi dapat hayaan ng gobyerno na magpatuloy ang mga kasong may paglabag sa karapatang pantao.
Hinikayat ng ahensya ang gobyerno na dagdagan ang pagpapatupad ng seguridad sa bansa lalo na sa papalapit na 2019 national and local elections.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng CHR-Region V ang kaso ng pananambang kay Batocabe.
MOST READ
LATEST STORIES