Kaso ng patayan sa bansa, nakakaalarma – CHR

By Angellic Jordan December 23, 2018 - 06:18 PM

Sa kabila ng holiday season, nakakaalarma ang kabi-kabilang kaso ng patayan ayon sa Commission on Human Rights (CHR).

Ito ay kasunod ng pamamaril kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe sa Daraga, Albay.

Sa inilabas na pahayag, iginiit ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia na hindi dapat hayaan ng gobyerno na magpatuloy ang mga kasong may paglabag sa karapatang pantao.

Hinikayat ng ahensya ang gobyerno na dagdagan ang pagpapatupad ng seguridad sa bansa lalo na sa papalapit na 2019 national and local elections.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng CHR-Region V ang kaso ng pananambang kay Batocabe.

TAGS: Atty. Jacqueline de Guia, CHR, holiday season 2018, Rep. Rodel Batocabe, Atty. Jacqueline de Guia, CHR, holiday season 2018, Rep. Rodel Batocabe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.