Ilang float sa 2019 MMFF Parade of Stars, stranded sa putik
Pito sa walong floats ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars ang naipit sa putikan.
Nagdulot ito ng pagkaantala sa pagsisimula ng programa sa bahagi ng Parañaque dahil sa sama ng panahon.
Bukod tangi ang float ng “Fantastica” sa mga nakausad sa parada.
Sa tulong ng Metro Manila Development Authority (MMDA), naiangat ang mga float sa putik.
Sumunod na nakausad ang mga float ng “The Girl In The Orange Dress” and “One Great Love.”
Sa ngayon, patuloy namang inaayos ang mga float ng “OTLUM,” “Aurora,” “Jack Em Popoy,” “Rainbow’s Sunset” and “Mary, Marry Me.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.