(UPDATE) Bilang ng patay sa volcanic tsunami sa Indonesia, dumami pa
(UPDATED AS OF 3:50AM) Pumalo na sa 222 katao ang bilang ng mga nasawi sa naganap na tsunami sa Sunda Strait, Indonesia.
Ayon kay national disaster agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho, daan-daang gusali ang nasira sa tsunami matapos tumama sa southern Sumatra at western tip ng Java bandang alas-9:30 ng gabi, oras Indonesia.
Karamihan sa mga namatay ay naitala sa Pandeglang, South Lampung, at Serang regions.
Sa tala ng search and rescue teams, aabot sa 843 ang bilang ng mga sugatan habang 28 naman ang napaulat na nawawala sa tatlong rehiyon.
Makikita sa mga post sa social media ang tindi ng pinsala sa lugar kabilang na ang mga bumagsak na puno at debris sa mga beach.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.