DILG, makikipag-ugnayan sa Comelec para tutukan ang election hotspots sa bansa
Nangako ang Department of Interior and Local Government (DILG) na makikipagtulungan sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa pagpapatupad ng seguridad sa mga election hotspot.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ikinokonsidera nila ang pulitika at papalapit na 2019 midterm elections sa mga posibleng motibo sa kabi-kabilang kaso ng patayan sa mga pulitiko kabilang na ang insidente ng pamamaril kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.
Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na agad nilang tututukan ang mga maituturing na election hotspots sa bansa katuwang ang Comelec at ilan pang ahensya ng gobyerno.
Ipinag-utos na rin ni Año sa Philippine National Police (PNP) na magtalaga ng karagdagang checkpoints at security measure para maiwasan ang anumang krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.