Umaasa ang Palasyo ng Malakanyang na may natutunang leksyon ang publiko kaugnay sa viral video ng pang bubully ng isang estudyante sa Ateneo de Manila High School sa isang kapwa estudyante.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, walang puwang sa lipunan ang bullying.
agdag ng kalihim, panahon na para mag-move forward ang lahat.
Dapat din aniyang alalahanin na mayroong values at batas na sundin ang bawat Filipino.
Kasabay nito, umaapela si Andanar sa publiko na matutong magpatawad at tahimik na ipagdiwang ang Pasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.