Palasyo, nag-alay ng dasal para sa mga biktima ng tsunami sa Indonesia
Nagparating ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa mga naiwang pamilya ng 43 kataong nasawi sa tsunami sa Indonesia.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nakikiisa ang Palasyo sa pag-aalay ng dasal para sa mga apektadong residente ng Sunda Strait.
Patuloy aniya ang pagtutok ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Jakarta para matiyak ang kaligtasan ng Filipino community sa lugar.
Matatandaang tumama ang magnitude 7.4 na lindol at tsunami sa Central Sulaewsi noong Setyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.