Dumalaw si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa burol ng yumaong Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.
Si Arroyo ay isa sa mga unang nakabisita sa burol ni Batocabe sa Ricardo Arcilla Hall sa Daraga, Albay kaninang umaga (December 23).
Naroroon din sina House Majority Leader Rolando Andaya at Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin.
Sa isang ambush interview, muling kinondena ni Arroyo ang pagpatay kay Batocabe.
Aniya, “life has become so cheap” na hindi dapat nangyayari.
Umaasa ang House Speaker sa mga otoridad para sa malalim at mabilis na imbestigasyon upang matuton na ang mga suspek.
Nang matanong naman si Arroyo kung ano ang maaalala niya kay Batocabe, sinabi nito na “very much loved” ang namayapang kongresista.
At kahit aniya ang mga media na nagko-cover sa Kamara, masasabing popular si Batocabe, na madalas kinukuhang “ninong.”
Bukod dito, si Batocabe ay aktibo sa mga hearing at mahusay na interrogator at debater, dagdag ni Arroyo.