MARAMING DAPAT IPASALAMAT NGAYONG PASKO 2018! Sa “Wag Kang Pikon!” ni Jake Maderazo

By Jake Maderazo December 23, 2018 - 12:23 PM SHARE(S):

Unang-una, tumaas ang take-home pay ng bawat pamilyang nagtratrabaho. Mula sa dating 32% na income tax, hindi na nagbabayad ng buwis ang mga sumusweldo ng P250,000 a year o P25,000 bawat buwan. Ibig sabihin, pasok ang P81,736 sa kanyang savings ngayong Pasko. Bukod diyan, wala na ring “tax” ang kanyang bonus na hindi lalampas ng P90,000. Halimbawa, 13th month kasama 14th month pati bonus ng mga sumusweldo ng P25,000 bawat buwan, ito’y may kaltas na P24,000 bawat taon. Ngayon, libre na kaya’t ang kabuuang “savings” niya ay P105,736.  Meron nang pang-enroll sa mga bata o panghulog sa bagong bahay.

Mas malaking sweldo, mas malaking bawas din sa dati’y 32% ang income tax. na ngayo’y 20%-25% na lang sa mga empleyado. Ibig sabihin, mas maraming pera ngayon ang mga “employed families” hanggang “middle class” kaysa sa nakaraang mga taon.

Ikalawa, tumaas ang Per Capita GDP ng bansa sa “all time high’ na $2891 sa 2017. Inaasahan na papalo ito sa $3,541 bago matapos ang 2018. Ang ibig sabihin nito, gumaganda na ang kita ng bawat nagtatrabaho at nagnenegosyong Pilipino. At umuunlad na rin ang Pilipinas na ngayo’y tinuturing nang “newly industrialized economy”.

Ikatlo, ang mas magandang “peace and order” at seguridad ng mga mamamayan ngayon. Kung noong araw, nagkalat ang mga “addict”, “maton” at mga pakawala ng “corrupt” na pulis, mas tahimik ngayon ang bawat komunidad na ipinapakita ng 21.48 % na pagbagsak ng “national crime index” mula noong 2016. Ika nga, mas maraming namamatay ngayong kriminal kaysa mga inosenteng biktima. At sana, lahat ng lugar sa bansa ay meron nang CCTV para makita at mahuli ang mga criminal.

Ikaapat, gising na ang kamalayan ng taumbayan sa nakikita nilang mga pang-aabuso sa ating lipunan. Lahat ay “citizen journalists”, gamit ang kanilang mga “cellphones” upang i-expose sa “social media” ang mga kriminalidad na noon ay tanging mga “news cameras” at “mainstream media” lamang ang gumagawa.  Aktibo sila sa twitter, facebook, Instagram sa pagpuri, pagbatikos at pagbibigay babala at impormasyon sa kapwa.

Ikalima, di hamak na mas mabuti ngayon ang “free health services” ng gobyerno. Malaking pondo ng PCSO at PAGCOR ay pumpunta ngayon sa libreng gamut (dati deretso ang pondo nila sa Malakanyang).

Halos lahat ng public hospitals ngayon ay meron nang “malasakit centers” o “one stop shop center” para bigyan ng “medical attention” at libreng gamut ang mga mahihirap na walang pambayad.

Ikaanim, maraming “basic services’ ng gobyerno ang nag-improve. Sampung taon na ngayon ang bisa nito bukod pa sa “digital” na ang ating mga passports. Limang taon naman ang bisa ng mga “drivers’ license” at mabilis na rin ang pag-proseso. Nalilipol nang unti-unti ang mga “fixers” na dati’y talamak sa LTO, LTFRB, DFA at iba pa.

At Ikapito, magpasalamat tayo dahil tayo’y buhay at nakakaganap sa mundong ito kasama ng ating mahal na pamilya at kaibigan. Maligayang pasko sa ating lahat!

TAGS: buwis, free health services, Pasko 2018, peace and order, trabaho, buwis, free health services, Pasko 2018, peace and order, trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.